SA IKA-12 BLACK FRIDAY PROTEST NG 2026
patuloy lang tayo tuwing Biyernes
sa paglulunsad ng Black Friday Protest
saan man maganap, itim ang bihis
sa pangangalampag, di magmimintis
wakasan na iyang mga digmaang
para sa pansariling kapakanan
ng mga nanggigiyerang kawatan
sugo ng kapitalismong gahaman
dinidigma ang tahimik na bansâ
upang langis nito'y agawing sadyâ
ng imperyalistang Kano't kuhilà
na talaga namang kasumpâ-sumpâ
patuloy pa rin ang pagpapanagot
sa mga mandarambong at kurakot
sa kaban ng bayan, ang mga buktot
ay ikulong, di dapat makalusot
- gregoriovbituinjr.
03.20.2026

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento