Huwebes, Marso 19, 2026

Panligaw o mali ang pamagat?

PANLIGAW O MALI ANG PAMAGAT?
‎U.S. State Capital ang pamagat
‎ngunit pagkain ang pagpipilian
‎tila nililigaw tayo ng landas
‎na duduluhin pala'y kapalpakan
‎anong kinalaman ng meatloaf, fillet,
‎steak, sauce, at brisket sa kapitolyo
‎ng mga estado doon sa U.S.
‎ito kaya'y pagkain sa Washington?
‎marahil ngunit iba ang himaton
‎o clue, kaylayo kung susundin iyon
‎bakit kaya ganyan ang pagkasulat
‎o baka namali lang ng pamagat
‎gayunpaman, mabuti't nasagutan
‎ang nilalaro kong palaisipan
‎ang pamagat man ay nakalilito
aba'y di naman tayo natuliro
‎- gregoriovbituinjr.
‎03.19.2026

* mula sa larong Word Shatter sa selpon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Panligaw o mali ang pamagat?

PANLIGAW O MALI ANG PAMAGAT? ‎ ‎U.S. State Capital  ang pamagat ‎ngunit pagkain ang pagpipilian ‎tila nililigaw tayo ng landas ‎na duduluhin...