Biyernes, Hulyo 4, 2025

Ulat ng grupo hinggil sa torture

CAT - Convention Against Torture
ULAT NG GRUPO HINGGIL SA TORTURE
(binigkas para sa isa sa walong thematic groupings sa workshop sa CHR)

Anti-Torture Act na'y naisabatas
nagdaan na'y labing-anim na taon
nakasuhan ay iisa pa lamang
nag-tortyur kay Jeremy Corre iyon

niratipika ng bansa ang OPCAT
to prevent torture, at may NPM pa
ang National Preventive Mechanism
na CHR daw ay maitalaga

may panukalang batas sa NPM
sa Kongreso't Senado'y naitanim
na dapat maging ganap na batas na
upang kulungan ay nabibisita

upang walang torture na magaganap
at walang nakabilanggong maharap
sa tortyur na talaga ngang pahirap
sana nga ang bayan ito'y magagap

jail decongestion ay dapat i-address 
anti-terror act ay dapat maalis
bilanggo'y huwag ituring na ipis
sila'y tao ring di dapat matiris

- gregoriovbituinjr.
07.04.2025

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Walang pagod sa pagkilos

WALANG PAGOD SA PAGKILOS walang pagod pa rin sa pagkilos ang tulad kong makatang hikahos nakikibaka pa rin ng taos kikilos kahit walang pang...