Sabado, Hulyo 26, 2025

Kabayanihan sa gitna ng unos

KABAYANIHAN SA GITNA NG UNOS

salamat at nababalita
ang ganitong kabayanihan
nars na sumagip ng binaha
ang inabot ng kamatayan

si Alvin Jalasan Velasco
ang halimbawa ng bayani
sa ngayong panahong moderno
tumupad sa misyon, nagsilbi

siya'y nars at ambulance driver
na sa pagsagip ay mabilis
responder sa Local Disaster
Risk Reduction Management Office

mabuhay ka, Alvin, mabuhay
at di ka nagdalawang isip
sinakripisyo mo ang buhay
upang iyong kapwa'y masagip

- gregoriovbituinjr.
07.26.2025

* ulat mula sa pahayagang Abante Tonite, Hulyo 26, 2025, tampok na balita (headline) at pahina 2

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pamasahe ng ubanin

PAMASAHE NG UBANIN ‎kapag nagbayad ako ng bente ‎imbes ang sukli ko ay siyete ‎susuklian ako ng nuwebe ‎dapat pamasahe ko ay trese ‎akala se...