TUMANOG
nagisnan muli'y bagong salita
sa palaisipang inihandog
nabatid nang sinagutang sadya
iyang duwende pala'y tumanog
duwende'y tila wikang Kastila
at tumanog ay wikang Tagalog
sadyang mayaman ang ating wika
pag kinain ay nakabubusog
sa krosword maraming natatampok
na katagang animo'y kaylalim
na dapat namang ating maarok
at tila rosas na sinisimsim
sariling wika'y ating gamitin
sa mga kwento, tula't sanaysay
katha ng katha ng katha pa rin
hanggang mga akda'y mapaghusay
- gregoriovbituinjr.
05.12.2025
* palaisipan mula pahayagang Pilipino Star Ngayon, Mayo 12, 2025, p. 11
balatengga - tawag sa tagalog ng banner o streamer na isinasabit sa mga tulay o matataas na lugar, pader, atbp.
Lunes, Mayo 12, 2025
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Pagpupugay at pasasalamat, CHR!
PAGPUPUGAY AT PASASALAMAT, CHR! natanggap ko ang backback ng Biyernes sa isang forum para sa C.S.O. may sertipiko pa't payong ng Martes...
-
NABASA KONG TATLONG AKLAT NI EDGAR CALABIA SAMAR Una kong nakilala ang magaling na awtor na si Edgar Calabia Samar noong maging kaklase ko s...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
MABABAW MAN ANG KALIGAYAHAN KO mababaw lang daw ang kaligayahan ko kaya natatawa sa mumunting bagay dahil diyan, napaisip tuloy ako: ano ang...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento