Linggo, Mayo 4, 2025

Swallowing training

SWALLOWING TRAINING

sapagkat di pa kayang lumunok ng kinakain
may NGT o tubo sa ilong upang kumain
may therapist na sinasagawa'y swallowing training
ano't paano makakain at lumunok man din

kinakailanga'y one thousand eight hundred calorie
kaya may tubo pa muna sa ilong o NGT
may physical therapy, occupational therapy
upang naparalisang bahagi ay mapabuti

kayhirap pagmasdan subalit kinakaya ko lang
sa malao't madali'y makararaos din naman
ang aking misis mula sa banig ng karamdaman
habang sa swallowing training siya'y tinutulungan

naparalisang bahagi'y hawakan ng banayad
baka mapilay o tila kristal na mababasag
ang tuluyan niyang paggaling ang tangi kong hangad
sa anumang tulong at ambag, maraming salamat

- gregoriovbituinjr.
05.04.2025

* NGT - nasogastric tube

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kalendaryong pangmesa

KALENDARYONG PANGMESA kaygandang bigay ng isang kasama ako na'y may kalendaryong pangmesa sa presscon binigay ng tagamidya sa kanya ang ...