PAGPILI NG WASTONG SALITA
pagpili ng wastong salita
ay dapat gawin nating kusa
hindi iyang pagtutungayaw
na pag tumarak ay balaraw
wastong salita ang piliin
kapwa mo'y huwag lalaitin
porke mayaman ka't may datung
ay magaling ka na't marunong
huwag kang mapagsamantala
na ang kapwa mo'y minumura
magsalita ng mahinahon
mga problema'y may solusyon
ang maling salita'y masakit
lalo't ikaw ang nilalait
ang wastong salita'y respeto
at salamin ng pagkatao
- gregoriovbituinjr.
01.16.2025
* litrato mula sa Daang Onyx, malapit sa Dagonoy Market sa Maynila
balatengga - tawag sa tagalog ng banner o streamer na isinasabit sa mga tulay o matataas na lugar, pader, atbp.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ang tungkulin bilang makatâ ng bayan
ANG TUNGKULIN BILANG MAKATÂ NG BAYAN minsang tinuring na / makatâ ng bayan nang tula'y binigkas / sa isang pagkilos lagi iyon pag may / ...
-
NABASA KONG TATLONG AKLAT NI EDGAR CALABIA SAMAR Una kong nakilala ang magaling na awtor na si Edgar Calabia Samar noong maging kaklase ko s...
-
MINSAN, SA ISANG DEMOLISYON Maikling kwento ni Greg Bituin Jr. Nakatunganga siya sa kawalan. Dumating siyang giba na ang kanilang t...
-
MABABAW MAN ANG KALIGAYAHAN KO mababaw lang daw ang kaligayahan ko kaya natatawa sa mumunting bagay dahil diyan, napaisip tuloy ako: ano ang...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento