balatengga - tawag sa tagalog ng banner o streamer na isinasabit sa mga tulay o matataas na lugar, pader, atbp.
Sabado, Marso 19, 2022
Upuan
napaupo ako sa upuan
napahiga ako sa higaan
napatayo ako sa tayuan
o kaya naman ay sa Tayuman
madalas nakakaupo sa dyip
lalo't barya lang ang halukipkip
madalas din doong managinip
kasama ang mutyang nasa isip
pinta sa upuan ay masdan mo
obra maestrang kayhusay, ano?
di basta matibag ng delubyo
pintang tila likha ng maestro
una ang kabayo sa kalesa
di ba? kaya di kalesa muna
dapat unawa itong talaga
lalo sa paggawa ng taktika
uupo tayo sa mga pulong
ng may kahandaan ng marunong
upang di tayo basta uurong
kung alam nating kayang sumulong
- gregoriovbituinjr.
03.19.2022
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Kalendaryong pangmesa
KALENDARYONG PANGMESA kaygandang bigay ng isang kasama ako na'y may kalendaryong pangmesa sa presscon binigay ng tagamidya sa kanya ang ...
-
NABASA KONG TATLONG AKLAT NI EDGAR CALABIA SAMAR Una kong nakilala ang magaling na awtor na si Edgar Calabia Samar noong maging kaklase ko s...
-
NAIS KO PANG BASAHIN ANG 100 AKLAT nais ko pang basahin ang sandaang aklat na pawang mga klasiko bago mamatay mga kwento't nobelang na...
-
Soneto 3 sa World Poetry Day 2020 (sa anyo ng 2-3-4-3-2) W orld Poetry Day, na isang araw ng panulaan O araw ng makata't ng tula...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento